inside the mind of a walking migraine

Wednesday, July 18, 2007

poetry site

google
naisipan ko i-google ang sarili ko (charles dumaraos) at ito ang unang lumabas. ang poetry site ko noong mga 2004 or 2005 pa. sa sobrang tagal na, nakalimutan ko na meron pala akong ganitong account sa ganitong website plus nakalimutan ko pa yung password (pero eventually, naalala ko rin). nakakatuwa, kasi 221 times siya binasa mula noong panahon na yon. onti lang yun, pero meron pa ring nagbasa.

d.g. dumaraos
pagkatapos ko i-google ang pangalan ko, ginoogle ko naman ang pangalan ng lolo ko. nasorpresa ako kasi mas marami pa akong pages kaysa kanya. tinry ko ang d.g. dumaraos, mas onti ang return pages. marahil dahil nilagay ko sa mas maraming website ang pangalan ko kaya mas marami akong hits. pero siguro kung ngayon nabuhay ang lolo ko (malamang wala pa ako hehe), sandamukal na hits ang meron siya. writer yun e, mapa-komiks, mapa-nobela. (kaya siguro mahilig din ako magsulat ng kung anu-ano) sana buhay pa siya ngayon, sana makapagpaturo or kahit konting pointers man lang ang makuha ko sa kanya.

oo nga pala, siya ang dahilan kung bakit ako nag computer science sa kolehiyo. siguro mga 9 years old ako nun. tinanong niya ko "anung gusto mong course sa college?" umiinom pa yata siya ng beer non, madalas uminom yun e. o kaya naman coke 500. yun ang madalas na pinapabili niya sakin. di siya namimigay. tapos sumagot ako ng buong walang tiwala sa sarili, "yung kagaya kay dad." siyempre ang tinutukoy ko noon ay yung nagdo-drowing sa diyaryo, gumagawa ng mga editoryal at mga komiks. gusto ko maging ganon nung dose anyos ako. sabi niya (siguro buong walang tiwala din sa sarili) "ahhh, comsci?" wala akong masabi kundi "opo, yun." di ko talaga alam kung ano ang pinaguusapan namin non. minsan minsan lang naman talaga kami magusap e. palagay ko nga, yun lang ang time na nagusap kami pwera lang kung inuutusan niya akong bumili ng coke 500.

coke
mga five years later, naisipan kong gayahin ang habit na pagbili ng sariling coke na madalas gawin ng lolo ko. yun nga lang, imbes na coke 500, family size ang binibili ko. naisip ko rin ito dahil may kinwento ang tito ko sakin na isa niyang kaibigan, inii-straw ang coke 1.5. grabeng mga tao. so naisipan kong gayahin ang mga ito para may mai-kwento ako pagdating ng panahon (at eto na nga). di naman kasi ako mahilig magkwento. madalas sinasarili ko nalang ang mga pangyayari sa buhay ko - hanggang sa naimbento ang blog. marami nang tao ang makakaalam ng mga sikreto ng buhay ko.

Labels: , , , , ,

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

charles!!!

just passing through :)

July 19, 2007 at 2:09 PM  
Blogger oist said...

evie!!!

July 19, 2007 at 8:25 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home