inside the mind of a walking migraine

Wednesday, August 29, 2007

snatch

na-snatch ang selpown ko!!!
ok, ok, ok. siguro isa ito sa mga pinaka-misused na salita ngayong ng mga pinoy. bukod sa miskol ay wala na akong ibang maisip na salita.


snatch
ganto, kapag na-snatchan ka ng kung ano, ibig sabihin inagaw sayo yung kung ano mo, at umeskapo yung snatcher. yun tipong wala ka nang magagawa, di mo na kayang habulin. iiyak ka na lang habang nakangiti - awkward na mukha.


hold-up
kapag binantaan ng sakit sa iyong katawan o kamatayan habang nililimas ang mga gamit mo, ang tawag dun ay holdap. hindi snatch. sa holdap, kinakausap ka ng holdaper - hindi snatcher. malimit na may dalang baril o punyal ang holdaper at itututok at iaamba ito sayo animo'y sasaksakin o babarilin ka. at kusa mo namang ibibigay ang mga kagamitan mo upang di ka masaktan. kung matalino ka, ibibigay mo ang mga gamit mo. kung medyo meron kang kakulangan sa pagiisip, di mo ito ibibigay. kung magaling ka naman, malamang marunong ka ng self-defense at uuwi ang holdaper ng luhaan at may sakit ng katawan o malamang nakahiga lang sa kalsada, walang malay.


rob
kapag naman bigla mo na lang naramdaman na mas magaan ang bag mo at parang maluwag ang pantalon, malamang nadukutan ka, hindi na-snatchan. minsan mapapansin mo na may laslas ang bag mo sa ilalim, kitang kita ang butas. minsan walang butas, pero bukas ang bag. minsan pagdukot mo sa back pocket mo para kumuha ng pamasahe ay wala kang makapa, kung hindi mo naiwan ang wallet mo, malamang nadukutan ka. minsan naman, kukunin mo ang telepono upang malaman ang oras, ngunit wala, malamang nalaglag sa taxi o nadukutan ka nga. ito siguro ang pinakamahirap na uri ng pagnanakaw ng gamit dahil nangangailangan ito ng matinding skill. at isa pa, di mo agad malalaman na nanakawan ka na.

hanggang dito na lang siguro muna. wala na akong maisip na pwedeng mapagkamalian sa salitang snatch. kung meron ka pa, reply ka na lang sa comments.


blogspot
multiply

Labels: , , , ,

Thursday, August 16, 2007

i admit, i am stupid and stubborn and lazy and things like that

oo na, kinakausap ko na naman sarili ko
meron na naman akong kalokohang ginawa. napaka-immature kong tao, sarili ko lang iniisip ko. sa palagay niyo ba anybody desererves me at this point? palagay ko wala. walang deserving masaktan dahil sakin. madami na ko nasaktan, ayoko na dagdagan pa. lalu na yung mga taong wala naman ginagawang masama sakin. kaya ba matabunan ng simpleng "pasensya na" yun? palagay ko hindi. kaya bang mapunan ng isang matinding paliwanag yun? palagay ko hindi.

di ko alam kung bakit madali akong magsawa. ano kaya ang ginawa ng mga magulang ko nung bata ako para maging ganto ako ngayon? bakit ba ako naninisi ng tao? bakit ako moody? minsan hindi ako nagsasalita sa umaga kaya nagagalit sakin ang tiyahin ko. ni "oo" ni "hindi" hindi ako umuutal. dahil sa mood ko. ano ba problema ko? may tutulong ba sakin? palagay ko wala. di mo naman kasi binabasa ng buo ito e. titignan mo lang yung mga letters sa unahan. kung umabot ka hanggang dito, i-disregard mo yung huling apat na pangungusap. mabilis ako magsawa. yun ang problema.

nakaka-anim na telepono na ata ako sa loob lamang ng tatlong taon. pati yun di nagtatagal sakin. sa simula, gustong gusto ko ito. pagkaraan ng mga tatlong buwan, gusto ko na itapon, ipamigay o kung ano. pero meron naman ako di pinagsasawaan. bakit meron at wala?

magreply ka naman. ipaliwanag mo sakin kung bakit isip bata ako. kung bakit pabago-bago ang isip ko. i dont deserve anybody.

hanggang dito na lang kaibigan. sana naintindihan mo yung post ko na walang patutunguhan, maraming tanong at laylayan. sa mga oras na 'to, paniguradong wala ako sa sarili ko. pero pano ko masasabi yun kung wala talaga?

Labels: ,

Friday, August 3, 2007

it's gonna be a very, very, very boring day

sino ba'ng hinde?
eto na naman tayo. wala na naman magawa, kahit maraming dapat gawin. meron ako actually mga dalawang reports na dapat gawin, pero di ko ginagawa - dahil ako ay naubusan na ng kakayahan na sipagin sa aking trabaho. minsan iniisip ko kung sinipag ba ko kahit minsan sa trabaho. siguro dahil wala nang multiply. hehehe.

tinatamad na ko pumasok. kanina, pinapakinggan ko yung podcast ni bill simmons. sabi niya hindi pa daw siya nagkakaroon ng 9 to 5 na trabaho. nakakainggit. isa ako sa mga tao takot mawalan ng financial security, kaya mahirap para sa kin ang kumuha ng unstable na trabaho. pero gusto ko talaga ng hindi 9 to 5.

napakagandang maging freelance something. gusto ko sana maging freelance writer, at the same time, musician. mga bagay na gustong gusto kong gawin. yung hindi ko pagsasawaan. mabilis kasi ako magsawa. pero merong mga bagay na di ko pinagsasawaan, tulad ng pagkanta at pagsulat. kaya sineseryoso ko tong banda na binubuo ko ngayon. di pa kami magaling at feeling ko di pa ready mag-gig. onting practice pa.


nostalgia is the word
mga fifteen minutes kong inisip tong word na to. ginamit ko ang lahat ng kaalaman ko sa pagre-research sa internet para maalala ko lang kung ano yung word na ang ibig sabihin ay gustong bumalik at laging naaalala ang nakaraan.

magrereply kasi ako sa kaibigan ko, sasabihin ko, "i'm feeling a little -------- tonight." di ko maalala kung ano yung word na yun. alam ko sa letter N siya nagsisimula. laging pumapasok sa isip ko yung word na "nausea". e alam kong hindi yun ang ibig sabihin nun. kaya na-frustrate ako sa kakahanap. feeling ko hindi ako makakatulog sa kakaisip kung ano yung word na yun. tas makatulog man ako, dadalawin ako ng word na yun sa isip ko. tas bigla akong magigising sa gitna ng gabi at mapapasigaw, "NOSTALGIA!"

ayun. lenny kravitz ang pinapakinggan ko ngayon. ayoko muna makinig ng mga emo emo ngayon. nostalgic ako e. o ha.


para sa mga kapatid lang
bago ako pumasok sa lokal kanina, napansin kong papasok din si bro. bong budena. unang pumasok sa isip ko, "wow, ano kaya meron sa lokal ngayon." wala naman pala. ordinaryong pagkakatipon lang. yung mga kasama niya, pati siya, dire-diretsong pumasok sa lokal. kaming mga myembrolang, intay muna sa labas bago matapos ang awit.

tapos may nakita akong papel. nakalagay, "reserved". ok, so most likely di ako makaupo sa usual kong inuupuan sa likod. maganda kasi yung lugar na yun. tahimik sa likod, makakapag-concentrate ka. so nung makita ko yung paskil na tinanggal, naisip ko kung gano ka-celebrated ang mga bisita na ito.

so ok. diretso sa pagkakatipon. pagkatapos ng paksa at panalangin, umakyat sa pulpito yung destino - nakangiti. yung ngiti na hindi basta basta maipapaliwanag. yung parang batang binigyan ng laruan na gustong gusto niya. yung ngiti ng nanay mo pag first time nila magkita ng tatay mo na galing abroad. parang excited na ngiti. ganun ang ngiti nung manggagawa.

tinawag niya sa pulpito si bro bong para sa "ilang pananalita". hindi siguro niya ine-excpect na magsasalita siya. una, siguro dahil gusto lang nilang umatend ng pagkakatipon. pangalawa, siguro gusto lang niyang tratuhin siya bilang isang normal na kapatid na nanggaling sa ibang lokal.

nang magsalita ang oic sa rizal, iba ang naramdaman ko sa inaasahan. simula nang makita ko sila sa labas ng lokal, nakaramdam ako ng prejudice sa pagbisita nila dahil alam kong magkakaroon sila ng ibang treatment galing sa mga pamahalaan ng lokal na yun. pero nang magsalita siya, parang wala lang. napaka-genuine niyang tao. down-to-earth ika nga. napakatotoo. hindi ko inaasahan sa totoo lang. habang nagsasalita siya, nakaramdam ako ng galak sa puso ko. take note, galak ang ginamit kong word. nagagalak ako habang nagsasalita siya. that made my day officially. pero, lagpas 12AM na. so technically, kinabukasan na. ibang araw na to hehehe.

Labels: , , , , , , , ,

Monday, July 30, 2007

migraineous night

gusto ko lang sumigaw
gusto ko nang magresign sa kompanya ko. bakit? blocked na ang multiply. nung huli akong magresign sa dati kong kompanya, multiply din ang dahilan. ito na nga lang ang kaligayahan at pinagkakaabalahan ko sa gabi, tas tatanggalin pa nila? bakit sila ganun? gusto ko rin umiyak.


masakit na naman ang ulo ko
parang hindi na siya tumitigil. parang ayaw na niya umalis sa ulo ko. tapos marami pang gustong dumagdag sa opisina. wala na akong magawa kundi tumahimik na lang.

marami pa sana akong gustong isulat, kaso masakit talaga ulo ko. nakakainis.

Labels: , , , , ,

Friday, July 27, 2007

depression is as psychological as talking to yourself

floating na kukote
kanina pa ako nagiisip ng maisusulat. andaming pumapasok sa isip ko pero wala akong ma-produce. bakit kaya? kita mo na? mga limang minuto akong nagisip ng follow-up dun sa una kong tanong. hindi na normal to.


depressed?
hindi nga ako depressed. sabi ni ingkong, ang depression ay para sa mga taong hindi naniniwala sa Diyos. tama nga naman. kasi kapag Kristiyano ka, iba ang outlook mo sa buhay. iba ang nakikita mo kaysa ordinaryong tao.

hmmm... magandang article to para sa steady ah. magawan nga.


number 2
kanina nakaisip ako ng words para sa isang kanta. isipin niyo na lang kung bakit number 2 ang title niya. (english siya, pasensya)
---
waiting for the next stoplight
when will i go?
the explosion is inevitable
is what you reap really what you sow?

creating all sorts of predicaments
i am losing my mind
creating horror with dropping bombs
you're wa over the line

can you wait until i get there?
stop pushing me around
stop being the reason why i'm running around town

can't you wait until i finish this?
stop making me queasy
stop making the rest of my body very lazy

Labels: , , , , ,

Tuesday, July 24, 2007

i was in a traumatic accident!

g-liner
hinde, joke lang. pero meron pa ring aksidente. pero mape-prevent naman sana yung aksidente na yun kung hindi lang mayabang yung bus.

ginagawa kong habit na pumasok ako ng maaga. as in mga 1 1/2 hours bago yung shift ko, pumupunta na ko sa office, tas mga 30 mins early ako dadating. so as always, sumakay ako ng bus dahil hari ito ng kalsada at mabilis akong makakarating sa gusto kong puntahan (una, dahil hindi na siya naghihintay ng mga pasahero; pangalawa, sobrang laki nito, walang gustong umoberteyk) at dahil malamig sa loob, kahit matrapik ako, walang problema.

pagdating ng bus sa junction (intersection), pumwesto siya sa kanan ng kalsada. hindi dapat siya dito pumwesto dahil kakaliwa kami at hindi kakanan. nang mag-GO na ang stop light, umamba siya ng pakaliwa, pero biglang may sumulpot na jeep sa gilid at ayaw magpatalo sa malaking dambuhalang higanteng sasakyan. pinilit niya ang hangad niyang dumiretso sa kalsada. pero wala ito sa malaking bus, pinilit din niya kumaliwa at umaasang hihinto ang jeep upang bigyang daan ang hari ng kalsada. matapos ang ilang sandali... boom. sumadsad ang mga gilid ng sasakyan, biglang tumigil ang bus. bumaba ng driver at konduktor. tinignan kung ano ang nangyari (although alam na alam niya kung ano ang nangyari). di ko na alam kung pano ko tatapusin itong kwentong ito.

nang tumigil ang bus, ang tanging nasa isip ko ay "may tao kaya dun sa jeep?" kawawa naman sila kung meron. kawawa naman yung jeep at nabikitima ng balyena sa lansangan. napakalungkot ng pangyayari dahil makikita mo sa mukha nung drayber na parang normal lang ang nangyari. parang inasahan niya na mabubunggo ito sa jeep. siguro'y tinuturuan niya ng leksyon ang pobreng drayber ng jeep na walang uurungan ang bus. kahit sino ka pa.

pindot dito para sa pictures.


malapit na
bago sumapit ang nakakalungkot na bangaan, busy ako sa pagte-text sa aking girlfriend. sinabi ko sa kanya na kailangan namin magusap tungkol samin. kinabahan siya. tama naman siguro yung kutob niya.

meron kasing mga bagay na mahirap i-explain. merong mga bagay na hindi dapat isulat. sasabihin ko sana sayo kung bakit kami maguusap. sasabihin ko sana sayo kung ano yung dahilan ng paguusapan namin. pero malamang di mo lang maintindihan.


long week
napakahaba ng linggong dumaan. sobrang dami ng mga meetings doon at dito. kung saan saan ako napupunta. kulang kulang ang tulog, isang pikit lang kelangan na agad bumangon. basta hindi normal ang linggo. parang isang buwan na ang nagdaan sa sobrang dami ng nangyari. pero ok, masaya siya. masasabi kong fruitful itong nagdaang linggong ito.

Labels: , , ,

Wednesday, July 18, 2007

poetry site

google
naisipan ko i-google ang sarili ko (charles dumaraos) at ito ang unang lumabas. ang poetry site ko noong mga 2004 or 2005 pa. sa sobrang tagal na, nakalimutan ko na meron pala akong ganitong account sa ganitong website plus nakalimutan ko pa yung password (pero eventually, naalala ko rin). nakakatuwa, kasi 221 times siya binasa mula noong panahon na yon. onti lang yun, pero meron pa ring nagbasa.

d.g. dumaraos
pagkatapos ko i-google ang pangalan ko, ginoogle ko naman ang pangalan ng lolo ko. nasorpresa ako kasi mas marami pa akong pages kaysa kanya. tinry ko ang d.g. dumaraos, mas onti ang return pages. marahil dahil nilagay ko sa mas maraming website ang pangalan ko kaya mas marami akong hits. pero siguro kung ngayon nabuhay ang lolo ko (malamang wala pa ako hehe), sandamukal na hits ang meron siya. writer yun e, mapa-komiks, mapa-nobela. (kaya siguro mahilig din ako magsulat ng kung anu-ano) sana buhay pa siya ngayon, sana makapagpaturo or kahit konting pointers man lang ang makuha ko sa kanya.

oo nga pala, siya ang dahilan kung bakit ako nag computer science sa kolehiyo. siguro mga 9 years old ako nun. tinanong niya ko "anung gusto mong course sa college?" umiinom pa yata siya ng beer non, madalas uminom yun e. o kaya naman coke 500. yun ang madalas na pinapabili niya sakin. di siya namimigay. tapos sumagot ako ng buong walang tiwala sa sarili, "yung kagaya kay dad." siyempre ang tinutukoy ko noon ay yung nagdo-drowing sa diyaryo, gumagawa ng mga editoryal at mga komiks. gusto ko maging ganon nung dose anyos ako. sabi niya (siguro buong walang tiwala din sa sarili) "ahhh, comsci?" wala akong masabi kundi "opo, yun." di ko talaga alam kung ano ang pinaguusapan namin non. minsan minsan lang naman talaga kami magusap e. palagay ko nga, yun lang ang time na nagusap kami pwera lang kung inuutusan niya akong bumili ng coke 500.

coke
mga five years later, naisipan kong gayahin ang habit na pagbili ng sariling coke na madalas gawin ng lolo ko. yun nga lang, imbes na coke 500, family size ang binibili ko. naisip ko rin ito dahil may kinwento ang tito ko sakin na isa niyang kaibigan, inii-straw ang coke 1.5. grabeng mga tao. so naisipan kong gayahin ang mga ito para may mai-kwento ako pagdating ng panahon (at eto na nga). di naman kasi ako mahilig magkwento. madalas sinasarili ko nalang ang mga pangyayari sa buhay ko - hanggang sa naimbento ang blog. marami nang tao ang makakaalam ng mga sikreto ng buhay ko.

Labels: , , , , ,

it's just like sleeping

ansarap
grabe, kanina lang ata uli ako nakatulog ng matino. nakumpleto ko ang 6 hours ko! plus meron pang bonus na 3 hours after non. panu ba naman, nung sunday pa kung anu-ano na ginagawa ko.

nung sunday, nag-shooting kami sa clark or subic (di ko alam kung alin sa dalawa). e ang hirap naman, puro biyahe. mas matagal pa yung biyahe time kesa sa shooting. pero at least meron kami natapos nun. masarap din kumain ng spageti luto ni ate rose. tapos, di ako natulog sa araw ng lunes. di ako nakatulog kahit kailangan. simula kasi ng night shift kaya kelangan ng baterya para sa gabing iyon. wala rin naman, di naman ako masyadong inantok. kaso kailangan din matulog dahil may go-kart competition naman ang host ng untv sa kinabukasan tuesday. so pagod na pagod na ko pagdating ng tuesday ng hapon, nakatulog ako mga dalawang oras ata. alam niyo ba kung gano kahirap mag go-kart? para kang sinagasaan ng pison. ganun.

ayun, kanina lang ako nakatulog ng mahimbing. alas singko ng umaga sakto ako dumating sa bahay, tulog agad ako. hanggang 11am. sarap talaga.

sa sunday na
3G. punta ka sa world trade center ngayong linggo, hulyo a-beinte dos. alas otso ng umaga. kung di ka marunong pumunta sa world trade center, di kita sinisisi - dahil di ko rin alam hehe. pero kung marunong kang pumunta sa mall of asia, madali na lang ito. punta ka lang dun sa mall na malaki. tas punta ka sa north wing kung saan meron mga sm vans na biyaheng buendia. sakay ka dun, madadaanan mo ang world trade center. actually, magsisimula ang mga palabas, alas singco ng umaga, yung palabas na kami naman. pero yung program, 8am pa.

maraming mga pagkakaabalahan dun. merong go-kart racing, paint ball, ibat-ibang rides, exhibits, job fair at isang libreng concert sa gabi (with a very special guest).

kaya, hali na! dalhin ang barkada! umuulan dito ng pera haha : )

prison break
nung monday (habang hindi ako natutulog), natapos ko na rin sa wakas ang pangalawang season ng prison break. nahalata ko na iniba nila ng conclusion ng series (dahil ayon sa aking research, dalawang season lang talaga ang initial na naisulat para dito. pero humiling ng extension ang fox kaya ayun...) dahil nakulong uli si ******* ******** sa ****** dahil iniutos ng ******* na direct report ng namatay na si **** ***. (pasensya na, bawal sabihin, pero kung napanuod mo na, maiintindihan mo yung sinabi ko).

however, nevertheless, sa kabila ng lahat ng ito, na-excite pa rin ako sa season 3. dahil una blah blah blah blah blah blah (spoiler uli e, sorry).

paalam muna
alas otso singkwenta'y tres na ng gabi, kelangan ko na magpaalam. kanina pa nagsimula ang shift ko at matatapos na ang aking avail time. magandang simulain pala ito para sa blog na ito. nagregister ako sa wordpress at iba pang blog site, pero walang nangyari sa kanila. ito lang ang nagbunga. hanggang sa muli.

Labels: , , , , , , , , , ,

ouch

bakit ba?
english yung title nung blog, pero malamang puro tagalog din ilalagay ko dito e. nainggit kasi ko sa kaibigan kong si bab. nang malaman kong meron siyang blogspot, e dapat ako din. inggitero ako e. lalu na kung kaya ko rin abutin yung kinaiinggitan ko.

nakakasulasok, nakaririmarim, nakapanghihilakbot, nakakasuklam.
nakikinig ako ngayon ng mga kanta ng giniling festival. kung kilala mo siguro ako ay alam mo na fan ako ng banda ng pinsan ko. yung banda ha, hindi sa pinsan ko. minsan kasi me mga tao, ang nakikita lang nila yung bokalista. marahil dahil pogi ito. pwede rin naman na dahil sadyang mahilig kumanta ang higit na pinoy, kaya kung sino ang kumakanta, yun ang idolo nila.

resist. unlearn. defy. resist and multiply.
meron akong multiply page. aktibo pa rin naman ito hanggang ngayon. kaya lang ako gumawa ng ganito, bukod sa nainggit ako, ay gusto ko lang pahirapan ang sarili ko. andami kong nakilala sa multiply na yun. mas maigi pa talaga yun kaysa friendster. basta, kung wala akong multiply, malamang di ko kilala ang mga bago kong kaibigan ngayon.

tulog na.
inaantok na nga ako. alas cuatro na ng madaling araw, nakakatatlong oras pa lang ako ng tulog sa loob ng tatlong araw. kailangan ko nang ihiga ito. pahinga ko labindalawang oras para parang sulit yung. sa totoo lang, andami ko nang ginagawang backspace kasi kung anu-anong letra ang naita-type ko dito sa keyboard. ay siya, matutulog na ko.

Labels: , , , , ,