inside the mind of a walking migraine

Friday, November 2, 2007

panahon para malungkot

ang multiply ay bintana ng buhay. totoo yan. para sa maraming tao sa contacts list ko. araw-araw mo itong chine-check. araw-araw mong tinitignan. kahit wala ka nang magawa dito, meron ka pa rin katiting na pag-asa na merong maga-update o magpopost na bago.

sa multiply, masusubaybayan mo ang buhay ng mga kaibigan mo. kahit hindi gaanong accurate, ito pa rin ang nagsisilbing bintana ng mga buhay nila. parang sa opisina, may mga kaibigan ka. ngunit hanggang sa opisina lang ang nakikita mo. sa multiply, hanggang multiply na lang. unless kilala mo personally ang tao.

ngunit minsan, kahit kilala mo sila sa totoong buhay, kailangan mo pa ring subaybayan sila sa multiply. dahil ang multiply ay bintana ng buhay. ngunit pwede mo rin piliin kung sino ang makakita ng buhay mo. pwedeng makita ng lahat, pwede makita ng ilan. ako, mga contact ko lang ang nakakakita ng mukha ko. paliwanag ko kay gurr, baka ma-kidnap ako. siyempre hindi naman ganun katotoo yun, iwas stalker lang (hehe). pero lahat ng blog post ko ay bukas para sa lahat ng tao.

teka, ano ba ang punto ko? bakit ganyan ang pamagat ng sulating ito?

nalulungkot ako. dinelete ako ng kaibigan ko sa multiply niya. di ko alam kung sinadya o ano, pero wala na ako sa contacts niya. di ko alam kung bakit, pero meron akong clue. pero, nalulungkot talaga ako. kasi nasara ang bintana ko sa kanyang buhay. di ko na malalaman kung ano na ang nangyayari sa kanya. wala nang masayang pagbabasa. wala nang madaling paraan upang malaman ang lagay niya. wala na.


---
http://blackendgray.multiply.com/journal/item/9

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home