inside the mind of a walking migraine

Tuesday, October 16, 2007

parang natutulog lang

naexperience mo na ba yung di mo malaman kung totoo yung nangyayari o panaginip lang? yung parang nangyari sa narrator sa fight club. sa dami at gulo ng mga pangyayari na nagaganap sa paligid niya, di niya alam kung ano talaga nangyayari.

minsan meron kang panaginip na sobrang intricate ng mga details. sobrang vivid ng mga kaganapan. akala mo totoong nangyayare. anong kalalabasan? nagsasalita ka sa pagtulog. minsan, gumigising kang basa ang kama o ang boxers mo.

pero minsan naman, gising ka. pero feeling mo panaginip lang ang nangyayari. pag tumingin ka sa paligid mo, totoo at authentic ang mga bagay. pero di ka maniwalang totoo ang nangyayari. parang kapag nanalo ng championship ang team mo sa basketbol. o kaya naman, sa puntong naabot mo na ang pangarap mo, parang pangarap pa rin. parang high ka lang. parang natutulog lang. hehehe syet.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home