inside the mind of a walking migraine

Wednesday, September 12, 2007

complaining is free. the formality is the one that charges you

good morning
bumili na rin ako finally ng mga bagong dvd para aliwin ang aking sarili habang walang ginagawa. bumili ako ng unang apat na seasons ng That 70's Show at Friday Night Lights. Siyempre, bumili na rin ako ng Morning View Sessions na matagal ko nang hinahanap sa mga ganung lugar. yun nga lang di ako nakahanap ng US version ng The Office (nasa america pa daw sabi nung isang manong).


ang braso kong magaling
sa totoo lang, kahit braso mo ang may problema, mahirap pa rin maglakad. di mo kasi maiiwasang igalaw ang braso mo para effective ka pa rin maglakad, kaya lang masakit talaga siya. kaya halos parang iika-ika pa rin ako maglakad. badtrip talaga. tapos, ang hirap pa kapag nalalamigan siya sumasakit ang kalamnan ko, kaya kailangan ko rin siya itago sa mga bulsa ko (bukod sa nakakahiyang makita ang namamaga kong kamay). naaalala ko yung kaibigan ko si mia, ganito rin kataba ang kamay niya hehehe. wish ko lang gumaling na 'to sa saturday, may kasi kami uli. di ako makakagalaw.


ansarap panuorin ng incubus
pagdating ko sa bahay, isinalang ko agad ang morning view, at kumanta na parang ako si brandon boyd. sa mga panahon na ginawa nila yung maliit na gig na yun, di pa pinage-eksperimentuhan ni brandon ang falsetto voice niya, kaya medyo buong buo pa yung boses niya dito. pero syempre, iba pa rin nung ginawa nila yung make yourself at science.

pagkatapos nun, dinaanan ko sandali yung sa red hot chilli peppers. di ko naman sila masyadong gusto, pero ok yung iba nilang kanta. di kasi sila masyadong mabigat, lalu na open yung stadium. hindi ko rin marinig yung bass ni flea (yun pa naman sana ang papakinggan ko talaga). kaya ayun, kinasawaan ko siya agad at pinanuod na ang:


friday night lights
matagal ko na siyang nababasa sa mga column ni bill simmons. matagal ko na rin siyang nakikita sa tindahan ng dvd. interesado ako, pero di ko kinukuha. malamang dahil busy ako sa ibang drama series tulad ng lost, prison break at the sopranos.

anyway, tama ang hinala ko. maganda nga siya. marahil dahil isa itong sports series kaya ko nagugustuhan. nang isinalang ko ang unang episode, inanticipate ko na kung ano ang laman ng episode na ito.

anticipated na characters
anticipated na mangyayari
  • mapipilayan ng matinding injury ang bida, at kailangang mag step-up ng backup
  • pinakamagaling na player ang negro
  • walang talent ang comic relief
  • panalo ang home team sa pamamagitan ng miraculous play ng back-up QB.
pero kahit na nakita ko nga ang mga inaasan ko sa pilot episode na to, excited pa rin akong tapusin siya. ang buong season. siguro dahil ito pa lang ang napapanuod ko na sports series, kaya parang maganda siya. pero ang totoo, para lang siyang dawson's creek (iniba lang ang mga pangalan at pangyayari).


gusto kong umabsent
bago ako umuwi kahapon, nag-email ako sa boss ko, na itatago ko sa pangalang mussolini, na nagsasabing baka umabsent ako sa araw na ito dahil sa pananakit ng aking kanang braso. sa totoo lang di ko na kaya magtrabaho gamit ang braso na ito. parang mas madali kung puputulin siya, para mawala lang ang sakit. pero hindi, tinext niya nang gabing iyon (sa gitna ng panunuod ko) upang sabihin sakin na pumasok pa rin ako. kahit na hindi ko maigalaw ang kanan kong braso. kahit di ako makapag-type ng maayos. kahit di ako makapagisip ng maayos dahil ang atensyon ko ay nasa braso kong namamaga parang papayang di pa nabebenta sa loob ng dose oras.

kaya ayun, pumasok pa rin ako. naka long sleeves para di sya masyado makita na malungkot ang aking mukha.


blogspot
multiply

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home