mike enriquez and other things
di ko maiwasang makinig kay mike enriquez kaninang umaga, kasi laging nakikinig dun yung asawa ng lola ko. habang kung anu-anong isyu ang tinatalakay niya, naisip ko na madali nga pala gayahin yung boses ni mike enriquez. may mga naging tanung ako sa aking isipan.
• panu kung hindi talaga si mike enriquez yung nagsasalita sa radyo?
• panu kung patay na talaga si mike enriquez at maskara lang yung sinusuot sa tv or isang impersonator lang?
• pany kung mabasa ni mike enriquez to?
mga walang kwentang tanung lang naman. lugaw pa yung isip ko kaninang umaga e. lumulutang lutang - isa lang talaga nasa isip ko buong gabing iyon - babae siya. bahala na kayo magisip kung anung klaseng babae, kung sino, kung bakit? pabayaan niyong lumutang-lutang din ang isip niyo.
isa sa mga narinig kong tinalakay ni mike enriquez (kailangan laging buo ang pangalan niya. kung hindi, di niyo malalaman kung sinong mike. marami kasing mike e) ay ang budget ng pilipinas. isa sa mga binitawan niyang salita ay kesyo pera daw ng mamamayang pilipino ang iba-budget nila kaya ingat sila. tama nga naman. pero tayo ang bumoto sa mga taong magba-budget ng pera natin diba? so tayo din ang may kasalanan kung anuman ang gawin nila sa budget diba? tama ba?
may isa pang tanong. nagbabayad naman ba ng tax si mike enriquez? ewan ko. di ko naman siya close e.
isa pa niyang nabanggit ay ang term na meritocracy (di ko alam kung tama ang spelling). parang against kasi siya na kung tataasan ng sweldo ang isang empleyado ng gobyerno ay itataas na rin ang sa iba. sa singapore (na ayon sa kanya ay nagaral siya ng isang taon o nag-aral siya nung isang tao, di ko sure), meritocracy daw ang umiiral dun. ibig sabihin, based sa performance mo ang sahod mo. kung napakagaling mo, for sure na mame-merit ka dun at itataas ang sweldo mo. tanong: napakagaling ng waste management dun sa singapore, ibig sabihin ba mas mataas ang sweldo nila kaysa ibang tao?
yun lang. kung anu-ano lang talaga pumasok sa isip ko kanina, buti naisulat ko agad. kailangan ko ng liwanag.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home