inside the mind of a walking migraine

Saturday, October 6, 2007

kagabi?

andami ko gusto isulat tungkol sa mga nangyari kagabi pero di ko alam kung ano.
andami kasi e.
di ko alam kung saan magsisimula.

isusulat ko ba na kagabi lang ako nakakita ng napakaraming emo cover bands?
na pare-pareho ang itsura.
na sinakop yung buong center for the arts.
sa gilid lang tuloy kami nakaupo.
tapos binaboy pa yung mga kanta ng saosin at co&ca (my opinion only lols).

isusulat ko ba yung sa effinboiche?
na hindi alam i-pronounce nung host (effin-boysh ate, hindi effin-boytch hehe)
na hindi ko sila masyadong nagustuhan sa live (although maganda boses ni alex the vocals)
na nagintay kami ng mga lima o anim set bago sila?

isusulat ko ba yung tungkol sa giniling?
na ngayon lang napanuod ni babab at sobrang nagustuhan niya (wala pa ring kupas)
na binura ang mailing list nila?
na nominated sa NU Rock Awards?

o isusulat ko ba ang napakagandang dose oras na ginugol ko kasama ang aking kaibigang si babab.
at sobrang nag-enjoy kami at na natulog after namin dumating sa kanila
at nagkwentuhan ng mahabang-mahaba
at nagpiano-pianuhan pa
at naggitara-gitarahan pa
at nagkanta-kantahan pa
at nagalmu-almusal pa
at kung anu-ano pa

ano ba isusulat ko?

nga pala. isa akong bobong tao. napakatanga. walang kwenta. walang kadating-dating. zero ako sa exam.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home