inside the mind of a walking migraine

Thursday, October 4, 2007

mga group account ng giniling festival

at ito pa ang magiging una ko post pagkatapos ng mahabang panahon (mga isang linggo).

di mo alam kung bakit may mga taong galit sa iyo, wala ka naman ginagawa sa kanila. di ka naman nananagasa ng tao. nagiingat ka nga na mangyari yun e. pero bakit merong ganung mga tao?

kung naaalala niyo, natanggal ang groups ng Giniling Festival mga 10 months ago ng walang dahilan. at talagang inis na inis kami nun dahil andami na namin nailagay nila keies at anto dun. sa madaling salita, pinaghirapan namin yung site na yun.

so syempre, sinulatan namin ang multiply. hiniling namin na ibalik ang multiply group na yon. ngunit kami ay nasawi. kaya nag-move on na lang kami, gumawa ng bagong account.

at ngayon, mag yahoo group naman ang nawalang parang bula. kung kailan kailangan namin ang group na yon (malapit na ang rock awards). 2000+ na ang member, at active siya more than ever. tsaka ito nawala.

so SOP ay sumulat sa yahoo, dahil siguradong kaya nilang ibalik yun. pero sana magreply sila kahit ano (skeptical kasi si jebs e).

may hinala ako. hindi coincidence na mawala ang multiply group at ang yahoo group. may hacker. yun lang. anjologs mong hacker ka, ano ba nagawa namin sayo?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home