bago ang lahat, gusto ko lang sabihin, ang galing
neto magsulat. sumasakit ang ulo ko sa mga tula niya. pero comment ko lang, wag sana masyado mahaba. nawawalan ng interes ang mga normal na tao, unless di naman yun ang objective mo.
tuloy ang ligaya
---
sa totoo lang, di talaga ako mahilig magbasa. meron lang isang tao na nakakapag-udyok sa kin na magbasa. isang malaking dahilan nito ay trip ko kasi ang binabasa niya, kaya babasahin ko na rin. di pa naman ako nadidisappoint.
mas gusto ko ang magsulat. o mag-type, kung pilosopo ka. at madalas ay lumilikot ang isip ko. naiisip ko: "uy, ayus yun ah" kaso di ko na naisusulat, kasi madalas ay nakakalimutan ko na pagharap ko sa computer. maniwala ka, ginagawan ko ito ng paraan. bumili ako ng kulay berdeng kwaderno upang ilista ang aking mga naiisip. pero wala pa rin. tamad ako.
pano ba nilalabanan ang katamaran? magte-24 years na ko sa munda, di ko pa rin mahagilap ang sagot. ang pinaka-kombinyenteng sagot at paraan para sa akin. pero minsan isang hinuha ay dumapo sa aking isip na parang tutubing nagliliwaliw sa ilang. kailangan ko ng inspirasyon. isang bagay na magbibigay ng dahilan sa akin upang tumayo, maligo, magshampoo, magtoothbrush, magbihis ng malinis na damit, magbayad sa tricycle, magbayad sa jeep, maglakad ng milya milya, umupo ng 10 oras diretso, humarap sa walang katuturang makina, at iba't ibang bagay pa na normal kong ginagawa pero minsan ay kinatatamaran pa rin.
kailangan natin ng inspirasyon, para lahat ng bagay na dapat mong gawin, ay parang di mo ginagawa.