inside the mind of a walking migraine

Saturday, July 21, 2007

yet another headache

migraine
sa sobrang daming kaganapan ang nangyayare, sobrang dami rin ang pumapasok sa ulo ko. nakakatamad tuloy isulat. sumasakit tuloy ulo ko. yung kaliwang banda lang ng ulo kaya matatawag ko itong migraine. alam mong migraine yun dahil parang may nagmamartilyo ng balde baldeng pako sa ulo mo. tapos pag hinimas mo naman, mahihilo ka. parang yung feeling pag sumakay ka ng ferris wheel, akala mo masarap sakyan pero pagkatapos ng pagikot mo, gusto mo lang sumuka. yun ang nararamdaman ng kawawa kong ulo ngayon.


meeting
nagpatawag ng meeting si bradtam sa pamamagitan ni sisapol noong nakaraang araw. pagkatas ng shift ko, natulog ako mga dalawang oras (with matching gising kay bab sa gitna). siguro dumating ako sa intayan mga alas otso. naghanap ako ng mauupuan kaya bumagsak ako sa mcdo sa kanto ng taft at edsa. edi syempre, bumili na rin ako ng makakain dahil alam kong maghihintay ako ng matagal. alam ko ito, una dahil di ko kilala ang susundo samin. pangalawa, dahil mga pilipino tayo at alam kong male-late ang lahat.

so habang nagiintay ako sa pila, napansin ko ang lalake sa likuran ko. matangkad siya, akala ko si andy jao kasi gilid lang ng mata ko ang nakakakita. nang i-overtake niya ko sa pila upang lumipat sa kabila, naintriga ako kasi parang kahawig siya nung singer ng bandang purplechickens na isa sa mga paborito kong banda (dahil napakaganda ng mga lyrics ng kanta nila). anyway, "marahil siya nga yun," sabi ko sa sarili ko. napansin ko na meron siyang pinapakinggang tape recorder, "siya nga." writer siya sa pulse magazine at sa website nito. gusto ko sana lumapit kaso padating na ang bab. "sa next twice in a lifetime chance na lang," sabi ko.

so dumating na si bab, pati si brick. so simula na ng paglalakbay papunta sa meeting place. mga sampung milya ata yung nilakad namin sa ilalim ng nagdudumilat na araw. sobrang pawis. sobrang hapis. buti na lang nakakaaliw kausap si bab, siguro nagbigti na ko kung maka-eleven miles kami.

pagdating dun, gaya ng inaasahan, di pa kumpleto at may mga hinihintay pa. napakitipikal. siguro may tatlong ibang meeting pa akong pinuntahan sa loob ng linggong ito at pare-parehong lang ng kinahinatnan - ang pagkaubos ng aking pasyensya. mahirap naman kung gagaya ka sa kanila at magpa-late na rin, kasi "you want to lead by example." bakit kaya ganun ang mga pinoy?

break-up
seryoso ko itong kinokonsidera. pero wala pang nakakaalam kundi ako. kailangan ko munang makausap ang mga kaibigan ko kasi natatakot akong gumawa ng mga bagay na ire-regret ko rin sa huli.

Labels: , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home