inside the mind of a walking migraine

Thursday, August 16, 2007

i admit, i am stupid and stubborn and lazy and things like that

oo na, kinakausap ko na naman sarili ko
meron na naman akong kalokohang ginawa. napaka-immature kong tao, sarili ko lang iniisip ko. sa palagay niyo ba anybody desererves me at this point? palagay ko wala. walang deserving masaktan dahil sakin. madami na ko nasaktan, ayoko na dagdagan pa. lalu na yung mga taong wala naman ginagawang masama sakin. kaya ba matabunan ng simpleng "pasensya na" yun? palagay ko hindi. kaya bang mapunan ng isang matinding paliwanag yun? palagay ko hindi.

di ko alam kung bakit madali akong magsawa. ano kaya ang ginawa ng mga magulang ko nung bata ako para maging ganto ako ngayon? bakit ba ako naninisi ng tao? bakit ako moody? minsan hindi ako nagsasalita sa umaga kaya nagagalit sakin ang tiyahin ko. ni "oo" ni "hindi" hindi ako umuutal. dahil sa mood ko. ano ba problema ko? may tutulong ba sakin? palagay ko wala. di mo naman kasi binabasa ng buo ito e. titignan mo lang yung mga letters sa unahan. kung umabot ka hanggang dito, i-disregard mo yung huling apat na pangungusap. mabilis ako magsawa. yun ang problema.

nakaka-anim na telepono na ata ako sa loob lamang ng tatlong taon. pati yun di nagtatagal sakin. sa simula, gustong gusto ko ito. pagkaraan ng mga tatlong buwan, gusto ko na itapon, ipamigay o kung ano. pero meron naman ako di pinagsasawaan. bakit meron at wala?

magreply ka naman. ipaliwanag mo sakin kung bakit isip bata ako. kung bakit pabago-bago ang isip ko. i dont deserve anybody.

hanggang dito na lang kaibigan. sana naintindihan mo yung post ko na walang patutunguhan, maraming tanong at laylayan. sa mga oras na 'to, paniguradong wala ako sa sarili ko. pero pano ko masasabi yun kung wala talaga?

Labels: ,

Friday, July 27, 2007

before i leave my computer

oh no
mukhang di ako makakagamit ng computer ngayong gabing ito. pinagfo-floorwalk ako ng boss ko (sa floor) at hindi niya ako papaupuin sa computer. parang mamamatay ata ako. di ako makakagamit ng computer buong gabi. mabuti pa magsulat sulat na ngayon.


the matrix
kada ibang biernes (every other friday haha), merong ispesiyal na nangyayari dito sa opisina. payday friday ang tawag nila. kasi kada ibang biernes, payday. so gumagawa sila ng theme para sa araw na ito at yun ang dapat ng suot ng mga tao. nung unang biernes, sports theme. tas meron naman isang biernes, basta meron din theme yun, nakalimutan ko lang.

ngayong biernes na ito, the matrix ang napili nilang tema. ang maganda dito, marami - kundi halos lahat - nagpaparticipate. ganun ka-engaged ang mga tao dito. merong isa naka-americana pa - a la agent smith. meron, office attire lang pero pwede nang isali sa matrix. kahit ano basta naka-black ka, pwede nang matrix yun. kahit mukang patay.

ako, hehe, neck tie lang suot ko. muka akong itchyworms. magshe-shades din dapat ako e, kaso naiwan ko sa bus. naiwan ko sa bus. isa pa. naiwan ko sa bus. ambobo-bobo ko. biruin mong maiwan ko sa bus yung shades ko. yung bubuyog shades pa yun, gustong gusto ko yung shades na yun. tas naiwan ko lang ng ganun. pero buti na lang naka neck tie ako. i like it.


cool off ends here
after two days, tinapos ko na yung cool off. di ko natiis. pero hindi pa rin kami balik sa dati. sabi ko sa kanya less text pa rin. basta hindi nakaka-distract. ayun.


gagawa dapat ako ng script
in-email ako ni ate "kakay santiago" ng mga sitas para sa script ko sa knc show. ngayon ko dapat gagawin yun. para may pondo sa segment ko. kaso nga, pinapatayo ako ng boss ko. ayaw niya kong gumamit ng computer sa huling araw na ito.

bukod sa script, gagawin ko rin dapat yung report ko sa opisina. basta hindi ko rin siguro siya magagawa dahil magf-floorwalk ako. grabe, anlake talaga ng mawawala sakin pag hindi ako nagko-computer. computer na ata ang buhay ko ngayon - katulad ng maraming tao.

Labels: , , , , ,

Wednesday, July 25, 2007

an idle mind is the devil's workshop

dahil walang magawa
actually, merong gagawin, tinatamad lang ako. minsan naiinis na ako sa katamaran ko. parang hindi na malunasan. sobrang tamad ko, tinatamad ako pati sa pagtulog at pag pahinga. minsan sa umaga kapag kakagising ko lang, tinatamad ako magsalita - nagagalit minsan yung tita ko. alam ko nakakasakit na rin ako ng damdamin ng tao dahil sa habit ko na yan, pero hirap talaga alisin e. tulungan mo naman ako.


ano bang problema ko?
kailangan ko lang siguro ng magandang inspirasyon. o kaya isang bago sa buhay. nakakatamad din pag puro luma e. yun din ang isang problema ko, gusto ko laging may bago. ayoko yata ng stagnance sa mga bagay-bagay. ironically, dahil dito, tinatamad ako.

kailangan ko ng bagong pagkakaabalahan. bagong pagtutuunan ng pansin. isang bagong dahilan. naaalala ko nung grade 3 ako, first time kong sasabihin sa publiko, hindi ako naliligo sa umaga bago ako pumasok. siguro tumagal ang isa o dalawang linggo na hindi ako naliligo dahil sa sobrang lamig ng umaga. alas siyete ng umaga ang pasok ko kaya kailangan alas sais palang naliligo na. e grabe naman lamig sa umaga dati. naiintindihan ko na mga indiyano, mga hapon at koreano. close to zero ata ang temperature ng mga ciudad dun. sa labas yun ah, hindi sa loob ng opisina. imaginin mo na sa loob ng opisina, imbes na aircon, heater ang gumagana. o ha.


siguro depressed na naman...
hindi naman siguro. alam ko kung pano ang depressed - naranasan ko na ito dati e. ironically, after ng break-up yung depression ko (kinailangan ko ng tulong ng friends, oo yung sitcom, para ma-overcome yung depression na yun).

kaninang umaga, may nagtanong sakin kung ano daw ang magandang comfort food. immediately, sinagot ko ice cream. una, dahil yun naman talaga ang number one the comfort food para sakin. pangalawa, nanunuod ako ng the sopranos nung nagtext siya at saktong ang eksena ay gumagawa ang mag-amang soprano ng ice cream. habang pinapanuod ko yung eksenang yon, naalala ko nung panahon ng depression ko, bumili ata ako ng 1/2 galon na double dutch para sakin lang. dahil depressed ako. at maraming chocolate. natutunan ko kasi na nagpoproduce ang chocolate ng endorphins na nagpapasaya sa isang tao. so mula noon, kapag malungkot ako, i try to eat chocolate or ice cream. parang babae.


it's just a phase. it will be over soon.
isang bagay na natutunan ko noong adik na adik ako sa incubus nung second year ko sa kolehiyo. minsan meron kang mga problema, or mga bagay na pinagkakaabalahan sa mundong ito, pero lahat ito ay lilipas. matatapos din yan. isa lamang yang pahina ng aklat ng buhay mo. meron din magkakaroon din ng conclusion yan. wag ka masyado magalala. manghingi ka lang ng tulong sa dapat mong hingan. bibigyan ka naman ng pansin. wag ka magalala.

Labels: , , , , , , ,

i couldn't do it

muntik na
katulad ng inaasahan ko, di ko magawang hiwalayan siya. lalu na nang makita kong namumutawi ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. di ko kaya. cool off lang muna, at least meron pang pag-asa kahit papano. meron pa kong oras para mag-isip ng mga bagay bagay. di ko talaga kaya. sabi sakin ng kaibigan ko, wag ko raw titignan sa mata habang kinakausap ko siya. well, kada matatapos ang isang sentence ko, tinitignan ko siya. di ko kayang di tumingin. at habang tumitingin ako sinasabi ko sa sarili ko na ito ang desisyon na hindi ko pagsisisihan.

Labels:

Tuesday, July 24, 2007

i was in a traumatic accident!

g-liner
hinde, joke lang. pero meron pa ring aksidente. pero mape-prevent naman sana yung aksidente na yun kung hindi lang mayabang yung bus.

ginagawa kong habit na pumasok ako ng maaga. as in mga 1 1/2 hours bago yung shift ko, pumupunta na ko sa office, tas mga 30 mins early ako dadating. so as always, sumakay ako ng bus dahil hari ito ng kalsada at mabilis akong makakarating sa gusto kong puntahan (una, dahil hindi na siya naghihintay ng mga pasahero; pangalawa, sobrang laki nito, walang gustong umoberteyk) at dahil malamig sa loob, kahit matrapik ako, walang problema.

pagdating ng bus sa junction (intersection), pumwesto siya sa kanan ng kalsada. hindi dapat siya dito pumwesto dahil kakaliwa kami at hindi kakanan. nang mag-GO na ang stop light, umamba siya ng pakaliwa, pero biglang may sumulpot na jeep sa gilid at ayaw magpatalo sa malaking dambuhalang higanteng sasakyan. pinilit niya ang hangad niyang dumiretso sa kalsada. pero wala ito sa malaking bus, pinilit din niya kumaliwa at umaasang hihinto ang jeep upang bigyang daan ang hari ng kalsada. matapos ang ilang sandali... boom. sumadsad ang mga gilid ng sasakyan, biglang tumigil ang bus. bumaba ng driver at konduktor. tinignan kung ano ang nangyari (although alam na alam niya kung ano ang nangyari). di ko na alam kung pano ko tatapusin itong kwentong ito.

nang tumigil ang bus, ang tanging nasa isip ko ay "may tao kaya dun sa jeep?" kawawa naman sila kung meron. kawawa naman yung jeep at nabikitima ng balyena sa lansangan. napakalungkot ng pangyayari dahil makikita mo sa mukha nung drayber na parang normal lang ang nangyari. parang inasahan niya na mabubunggo ito sa jeep. siguro'y tinuturuan niya ng leksyon ang pobreng drayber ng jeep na walang uurungan ang bus. kahit sino ka pa.

pindot dito para sa pictures.


malapit na
bago sumapit ang nakakalungkot na bangaan, busy ako sa pagte-text sa aking girlfriend. sinabi ko sa kanya na kailangan namin magusap tungkol samin. kinabahan siya. tama naman siguro yung kutob niya.

meron kasing mga bagay na mahirap i-explain. merong mga bagay na hindi dapat isulat. sasabihin ko sana sayo kung bakit kami maguusap. sasabihin ko sana sayo kung ano yung dahilan ng paguusapan namin. pero malamang di mo lang maintindihan.


long week
napakahaba ng linggong dumaan. sobrang dami ng mga meetings doon at dito. kung saan saan ako napupunta. kulang kulang ang tulog, isang pikit lang kelangan na agad bumangon. basta hindi normal ang linggo. parang isang buwan na ang nagdaan sa sobrang dami ng nangyari. pero ok, masaya siya. masasabi kong fruitful itong nagdaang linggong ito.

Labels: , , ,

Saturday, July 21, 2007

yet another headache

migraine
sa sobrang daming kaganapan ang nangyayare, sobrang dami rin ang pumapasok sa ulo ko. nakakatamad tuloy isulat. sumasakit tuloy ulo ko. yung kaliwang banda lang ng ulo kaya matatawag ko itong migraine. alam mong migraine yun dahil parang may nagmamartilyo ng balde baldeng pako sa ulo mo. tapos pag hinimas mo naman, mahihilo ka. parang yung feeling pag sumakay ka ng ferris wheel, akala mo masarap sakyan pero pagkatapos ng pagikot mo, gusto mo lang sumuka. yun ang nararamdaman ng kawawa kong ulo ngayon.


meeting
nagpatawag ng meeting si bradtam sa pamamagitan ni sisapol noong nakaraang araw. pagkatas ng shift ko, natulog ako mga dalawang oras (with matching gising kay bab sa gitna). siguro dumating ako sa intayan mga alas otso. naghanap ako ng mauupuan kaya bumagsak ako sa mcdo sa kanto ng taft at edsa. edi syempre, bumili na rin ako ng makakain dahil alam kong maghihintay ako ng matagal. alam ko ito, una dahil di ko kilala ang susundo samin. pangalawa, dahil mga pilipino tayo at alam kong male-late ang lahat.

so habang nagiintay ako sa pila, napansin ko ang lalake sa likuran ko. matangkad siya, akala ko si andy jao kasi gilid lang ng mata ko ang nakakakita. nang i-overtake niya ko sa pila upang lumipat sa kabila, naintriga ako kasi parang kahawig siya nung singer ng bandang purplechickens na isa sa mga paborito kong banda (dahil napakaganda ng mga lyrics ng kanta nila). anyway, "marahil siya nga yun," sabi ko sa sarili ko. napansin ko na meron siyang pinapakinggang tape recorder, "siya nga." writer siya sa pulse magazine at sa website nito. gusto ko sana lumapit kaso padating na ang bab. "sa next twice in a lifetime chance na lang," sabi ko.

so dumating na si bab, pati si brick. so simula na ng paglalakbay papunta sa meeting place. mga sampung milya ata yung nilakad namin sa ilalim ng nagdudumilat na araw. sobrang pawis. sobrang hapis. buti na lang nakakaaliw kausap si bab, siguro nagbigti na ko kung maka-eleven miles kami.

pagdating dun, gaya ng inaasahan, di pa kumpleto at may mga hinihintay pa. napakitipikal. siguro may tatlong ibang meeting pa akong pinuntahan sa loob ng linggong ito at pare-parehong lang ng kinahinatnan - ang pagkaubos ng aking pasyensya. mahirap naman kung gagaya ka sa kanila at magpa-late na rin, kasi "you want to lead by example." bakit kaya ganun ang mga pinoy?

break-up
seryoso ko itong kinokonsidera. pero wala pang nakakaalam kundi ako. kailangan ko munang makausap ang mga kaibigan ko kasi natatakot akong gumawa ng mga bagay na ire-regret ko rin sa huli.

Labels: , , , , ,