inside the mind of a walking migraine

Friday, August 3, 2007

it's gonna be a very, very, very boring day

sino ba'ng hinde?
eto na naman tayo. wala na naman magawa, kahit maraming dapat gawin. meron ako actually mga dalawang reports na dapat gawin, pero di ko ginagawa - dahil ako ay naubusan na ng kakayahan na sipagin sa aking trabaho. minsan iniisip ko kung sinipag ba ko kahit minsan sa trabaho. siguro dahil wala nang multiply. hehehe.

tinatamad na ko pumasok. kanina, pinapakinggan ko yung podcast ni bill simmons. sabi niya hindi pa daw siya nagkakaroon ng 9 to 5 na trabaho. nakakainggit. isa ako sa mga tao takot mawalan ng financial security, kaya mahirap para sa kin ang kumuha ng unstable na trabaho. pero gusto ko talaga ng hindi 9 to 5.

napakagandang maging freelance something. gusto ko sana maging freelance writer, at the same time, musician. mga bagay na gustong gusto kong gawin. yung hindi ko pagsasawaan. mabilis kasi ako magsawa. pero merong mga bagay na di ko pinagsasawaan, tulad ng pagkanta at pagsulat. kaya sineseryoso ko tong banda na binubuo ko ngayon. di pa kami magaling at feeling ko di pa ready mag-gig. onting practice pa.


nostalgia is the word
mga fifteen minutes kong inisip tong word na to. ginamit ko ang lahat ng kaalaman ko sa pagre-research sa internet para maalala ko lang kung ano yung word na ang ibig sabihin ay gustong bumalik at laging naaalala ang nakaraan.

magrereply kasi ako sa kaibigan ko, sasabihin ko, "i'm feeling a little -------- tonight." di ko maalala kung ano yung word na yun. alam ko sa letter N siya nagsisimula. laging pumapasok sa isip ko yung word na "nausea". e alam kong hindi yun ang ibig sabihin nun. kaya na-frustrate ako sa kakahanap. feeling ko hindi ako makakatulog sa kakaisip kung ano yung word na yun. tas makatulog man ako, dadalawin ako ng word na yun sa isip ko. tas bigla akong magigising sa gitna ng gabi at mapapasigaw, "NOSTALGIA!"

ayun. lenny kravitz ang pinapakinggan ko ngayon. ayoko muna makinig ng mga emo emo ngayon. nostalgic ako e. o ha.


para sa mga kapatid lang
bago ako pumasok sa lokal kanina, napansin kong papasok din si bro. bong budena. unang pumasok sa isip ko, "wow, ano kaya meron sa lokal ngayon." wala naman pala. ordinaryong pagkakatipon lang. yung mga kasama niya, pati siya, dire-diretsong pumasok sa lokal. kaming mga myembrolang, intay muna sa labas bago matapos ang awit.

tapos may nakita akong papel. nakalagay, "reserved". ok, so most likely di ako makaupo sa usual kong inuupuan sa likod. maganda kasi yung lugar na yun. tahimik sa likod, makakapag-concentrate ka. so nung makita ko yung paskil na tinanggal, naisip ko kung gano ka-celebrated ang mga bisita na ito.

so ok. diretso sa pagkakatipon. pagkatapos ng paksa at panalangin, umakyat sa pulpito yung destino - nakangiti. yung ngiti na hindi basta basta maipapaliwanag. yung parang batang binigyan ng laruan na gustong gusto niya. yung ngiti ng nanay mo pag first time nila magkita ng tatay mo na galing abroad. parang excited na ngiti. ganun ang ngiti nung manggagawa.

tinawag niya sa pulpito si bro bong para sa "ilang pananalita". hindi siguro niya ine-excpect na magsasalita siya. una, siguro dahil gusto lang nilang umatend ng pagkakatipon. pangalawa, siguro gusto lang niyang tratuhin siya bilang isang normal na kapatid na nanggaling sa ibang lokal.

nang magsalita ang oic sa rizal, iba ang naramdaman ko sa inaasahan. simula nang makita ko sila sa labas ng lokal, nakaramdam ako ng prejudice sa pagbisita nila dahil alam kong magkakaroon sila ng ibang treatment galing sa mga pamahalaan ng lokal na yun. pero nang magsalita siya, parang wala lang. napaka-genuine niyang tao. down-to-earth ika nga. napakatotoo. hindi ko inaasahan sa totoo lang. habang nagsasalita siya, nakaramdam ako ng galak sa puso ko. take note, galak ang ginamit kong word. nagagalak ako habang nagsasalita siya. that made my day officially. pero, lagpas 12AM na. so technically, kinabukasan na. ibang araw na to hehehe.

Labels: , , , , , , , ,

Saturday, July 21, 2007

yet another headache

migraine
sa sobrang daming kaganapan ang nangyayare, sobrang dami rin ang pumapasok sa ulo ko. nakakatamad tuloy isulat. sumasakit tuloy ulo ko. yung kaliwang banda lang ng ulo kaya matatawag ko itong migraine. alam mong migraine yun dahil parang may nagmamartilyo ng balde baldeng pako sa ulo mo. tapos pag hinimas mo naman, mahihilo ka. parang yung feeling pag sumakay ka ng ferris wheel, akala mo masarap sakyan pero pagkatapos ng pagikot mo, gusto mo lang sumuka. yun ang nararamdaman ng kawawa kong ulo ngayon.


meeting
nagpatawag ng meeting si bradtam sa pamamagitan ni sisapol noong nakaraang araw. pagkatas ng shift ko, natulog ako mga dalawang oras (with matching gising kay bab sa gitna). siguro dumating ako sa intayan mga alas otso. naghanap ako ng mauupuan kaya bumagsak ako sa mcdo sa kanto ng taft at edsa. edi syempre, bumili na rin ako ng makakain dahil alam kong maghihintay ako ng matagal. alam ko ito, una dahil di ko kilala ang susundo samin. pangalawa, dahil mga pilipino tayo at alam kong male-late ang lahat.

so habang nagiintay ako sa pila, napansin ko ang lalake sa likuran ko. matangkad siya, akala ko si andy jao kasi gilid lang ng mata ko ang nakakakita. nang i-overtake niya ko sa pila upang lumipat sa kabila, naintriga ako kasi parang kahawig siya nung singer ng bandang purplechickens na isa sa mga paborito kong banda (dahil napakaganda ng mga lyrics ng kanta nila). anyway, "marahil siya nga yun," sabi ko sa sarili ko. napansin ko na meron siyang pinapakinggang tape recorder, "siya nga." writer siya sa pulse magazine at sa website nito. gusto ko sana lumapit kaso padating na ang bab. "sa next twice in a lifetime chance na lang," sabi ko.

so dumating na si bab, pati si brick. so simula na ng paglalakbay papunta sa meeting place. mga sampung milya ata yung nilakad namin sa ilalim ng nagdudumilat na araw. sobrang pawis. sobrang hapis. buti na lang nakakaaliw kausap si bab, siguro nagbigti na ko kung maka-eleven miles kami.

pagdating dun, gaya ng inaasahan, di pa kumpleto at may mga hinihintay pa. napakitipikal. siguro may tatlong ibang meeting pa akong pinuntahan sa loob ng linggong ito at pare-parehong lang ng kinahinatnan - ang pagkaubos ng aking pasyensya. mahirap naman kung gagaya ka sa kanila at magpa-late na rin, kasi "you want to lead by example." bakit kaya ganun ang mga pinoy?

break-up
seryoso ko itong kinokonsidera. pero wala pang nakakaalam kundi ako. kailangan ko munang makausap ang mga kaibigan ko kasi natatakot akong gumawa ng mga bagay na ire-regret ko rin sa huli.

Labels: , , , , ,

Wednesday, July 18, 2007

ouch

bakit ba?
english yung title nung blog, pero malamang puro tagalog din ilalagay ko dito e. nainggit kasi ko sa kaibigan kong si bab. nang malaman kong meron siyang blogspot, e dapat ako din. inggitero ako e. lalu na kung kaya ko rin abutin yung kinaiinggitan ko.

nakakasulasok, nakaririmarim, nakapanghihilakbot, nakakasuklam.
nakikinig ako ngayon ng mga kanta ng giniling festival. kung kilala mo siguro ako ay alam mo na fan ako ng banda ng pinsan ko. yung banda ha, hindi sa pinsan ko. minsan kasi me mga tao, ang nakikita lang nila yung bokalista. marahil dahil pogi ito. pwede rin naman na dahil sadyang mahilig kumanta ang higit na pinoy, kaya kung sino ang kumakanta, yun ang idolo nila.

resist. unlearn. defy. resist and multiply.
meron akong multiply page. aktibo pa rin naman ito hanggang ngayon. kaya lang ako gumawa ng ganito, bukod sa nainggit ako, ay gusto ko lang pahirapan ang sarili ko. andami kong nakilala sa multiply na yun. mas maigi pa talaga yun kaysa friendster. basta, kung wala akong multiply, malamang di ko kilala ang mga bago kong kaibigan ngayon.

tulog na.
inaantok na nga ako. alas cuatro na ng madaling araw, nakakatatlong oras pa lang ako ng tulog sa loob ng tatlong araw. kailangan ko nang ihiga ito. pahinga ko labindalawang oras para parang sulit yung. sa totoo lang, andami ko nang ginagawang backspace kasi kung anu-anong letra ang naita-type ko dito sa keyboard. ay siya, matutulog na ko.

Labels: , , , , ,