random things i wanna say but won't
isa akong prankang tao. sasabihin ko ang gusto kong sabihin. ibig sabihin neto, di ko sasabihin ang ayaw kong sabihin - tama ba? sa mga ayaw kong sabihin, nakalista ang dalawampu. salamat kay gracy sa pag crosspost nito sa blogspot na hindi niya alam kung pano nangyayare. hehehe
1. Parang awa niyo na, wag niyo ko titignan habang naglalakad ako. Hirap tumingin sa lupa habang naglalakad!
2. Muntik ko na sabihin sayo dati na mahal kita. Buti na lang hindi kasi isa kang mabuting kaibigan.
3. Di mo ba nahahalata na ayaw ko sayo?
4. Parang awa mo na, yung mga nakakatawa lang. Nakaka-aksaya ng oras pag korni yung joke.
5. Gusto ko nang umalis dito!
6. Ayusin mo yang gitara mo! kung magsalita ka parang magaling ka, wala kang talent! Puro cover lang alam mo! Gumawa naman tayo ng sarili nating kanta! (hmmm... parang nasabi ko na ata to pero sa teks lang. tsaka di kasama yung walang talent part hehehe)
7. "Hello? naiintindihan mo ba ang concept ng pila? o di mo maintindihan? kailangan ba inglisen?" "pwede bang lumayu-layu ka ng onte?" - mga gusto kong sabihin kapag kukuha ako ng pera sa ATM.
---
so far, yan palang naiisip ko e. di ata pwede gawin to ng isang upuan lang. dapat siguro simulan ko na rin isulat sa papel yung mga bagay na gusto kong sabihin. parang theraphy para sakin kung umiinit ang ulo dahil sa maliliit na bagay na to.
blogspot
multiply
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home