sasagutin mo rin naman to e. basahin mo na
1.You are mostly known as:
- cha + charles = chacharles
2. Most people think you are?
- mayabang, tahimik, hindi normal, matalino, maangas, weirdo. pero sa kabila ng lahat ng ito, wala akong pakelam.
3. Do you believe in soulmates?
- hindi.
4. Do you think love is always enough?
- you also need faith and hope.
5. Single or Taken?
- neither. wag mo na itanong.
6. Are you still friends with your ex/s?
- some. weird kasi minsan e. i take all the blame please.
7. Unforgettable letters that you ever received?
- i've got. and i still smile when i read them sometimes.
8. Who is your biggest crush?
- marami akong crush. dati, bago sumikat, patay na patay ako kay iya villania. natutunaw ako pag tinitignan ko yung poster niya - pero dati yun, jologs na ngayon e. na-starstruck naman ako kay kelly misa nung makita ko siya sa mcdo dati. napaka-ubod ng ganda niya. wala akong ubod ng crush ngayon, siguro dahil nagmature na rin ako (wow). pero ang pinakamalaki kong crush, yung isang member ng choir na ubod ng cute. hindi siguro siya ganun kaganda sa ibang tao, pano probinsyana siya, tas maliit lang, payat, pero anlakas talaga ng dating niya. nagkaroon ako ng dalawang malapit na kaibigan dahil sa attraction ko sa kanya.
9.First crush in college?
- dahil maliit lang ang iskwelahan namin, second sem ng first year na ko nagkaron ng crush sa kolehiyo. fatima pangalan nun. ang cute niya tignan. pero syempre, peculiar ang type ko kaya di rin siguro siya magadna sa ibang tao. pero cute siya. may magandang ngiti at maliit na mga mata. sa sobrang pagka-crush ko sa kanya, ginawan ko siya ng mga manuscript ng tula ko. pero hindi ako ang nagbigay. mga kakilala ko sa school, pinaabot ko sa kanila. di niya siguro nalaman na ako ang nagsulat ng mga yun.
10. Favorite song?
- naparami ko nang napakinggan na mga kanta kaya mahirap magsulat ngayon dito. kaya sasabihn ko na lang mga tipo ko para magkaron kayo ng ideya kung ano man. dahil isa akong weirdo sa paningin ng mga tao, kailangan kong panindigan yun. gusto ko ng corrine bailey rae, norah jones at alicia keys. gusto ko rin si john legend, ludacris, eminem at usher. mahilig din ako makinig ng string music, kaso di ko alam ang mga title. pero ang dominante sa tenga ko ay band music syempre. pinaka-malaking impluwensya sakin ang incubus at si brandon boyd. di ko pa rin makuha ang style nila sa pagsusulat, pero sana malaman ko kasi ang gagaling nila. after ng incubus, meron pang iba tulad ng radiohead, at the drive-in, sparta, silverchair, coldplay, a perfect circle, the strokes at iba pang iba-ibang banda na hindi mo makikita ang koneksyon. gusto ko rin ang opm, merong mga banda na na-manage na hindi manggaya ng tugtog ng iba (di tulad ng hale, cueshe, at soapdish). andyan syempre ang all-time favorite opm ko (at ng iba din siguro) ang eraserheads. gusto ko rin ang sandwich (yung luma), itchyworms, cambio, giniling festival (di ako biased kahit pinsan ko yung vocalist), sago at iba pa. nakalimutan ko na lang siguro yung iba pasensya na. at upang sagutin ang tanong mo, ang paborito kong kanta ay "i miss you" ng incubus. ito ay dahil isa akong romantiko.
11. Favorite Soundtrack?
- yung mga gawa ni adam sandler.
12. The latest band/singer that u like?
- kadangyan. anlupet nila grabe. feeling ko dapat sila talaga ang magrepresent ng pilipinas sa wbob. ethnic sila na may halong rock. ang kulit pa nila.
13. Boy bands?
- ayoko man aminin, pero nagustuhan ko ang vocal harmony ng backstreet boys. andyan pa rin ang boys to men. hanson din ok, lalu na sa acoustic.
14. Rock bands?
- refer to answer number 10.
15. Give one word that best describes what your feeling now?
- insane.
16. Person who is always there when you're bored?
- ang ibig mo ba sabihin ay boring yung tao? kasi kung siya lagi kasama mo pag bored ka, ibig sabihin boring yun diba? tama ba?
17. Name 5 people you saw
- dalawa lang ang kahihinatnan ng tanong na to. isang impertinenteng sagot at yung normal. pero dahil abnormal ako, ang sagot ko ay: marami na akong nakitang tao. yung pamilya ko, 5 sila eksakto. so lima na yun.
18.When you were little, what did you want to be?
- maging artist katulad ng erps ko. pero somehow naging comsci ako (di ko naman pinagsisisihan, kasi pangit din naman ako magdrowing e)
19. Who did you last go out with?
- nagtanghalian kami ni jucy mga two weeks ago. ok lang naman. masarap siya kakwentuhan.
20. Who was the last person to texted you?
- si keies. me gig ang giniling mamaya sa purple haze
21. What time did you sleep last night?
- natulog ako mga 10. kasi kailangan ko gumising ng 4 (ngayon nagsisisi ako, dapat 9 ako natulog kasi inaantok ako ngayon at di makapagisip ng tama)
22. What's your happy thought?
- na lahat ng bagay ay kone-konektado at apektado ng isa't isa para sa higit na nakabubuting mga bagay at gawain.
23. What makes you happy?
- performing in front of a crowd.
24. What makes you sad?
- disappointment. parang ngayon. ayoko nang pumasok.
25. What would you like to have right at this very second that seems totally impossible?
- conversation with a person who'll genuinely make me smile.
26. Would you marry for money?
- i dont think so. i hope i dont as well
27. Have you had braces?
- hindi pa. gusto ko sana kumuha e. ewan ko kung bakit di pa.
28. Could you live without a computer?
- sabihin na nating mas-succesful ako kaysa ngayon kung walang computer.
29. If you could live in a past time period where would it be?
- 70s. alam kong cliche tong sagot na to pero gusto ko talaga yung period na yun. malapit nang magdisband ang beatles at puro mga ginto na yung mga nasusulat nila as in. tapos gusto kong maging hippie. gusto ko rin abutan yung hardcore punk era na nagsimula noong late 70s.
30. Do you drink enough water?
- i'm mostly pale so i proble don't
31. Do you wear shoes in the house or take them off?
- mainit e. kaya tsinelas na lang
32. What are your favorite fruits?
- mango at apple. lalu na pag iinumin. saging kung kakainin.
33. What is your favorite place to visit?
- sa totoo lang mas gusto ko sa bahay lang. di ako mahilig gumala. pero kung gagala ako, pupunta ako sa music store or sa bookstore. meron akong gustong puntahan ngayon. yung 4-storey bookstore sa the fort daw. bababbbbb!!!
34. Are you photogenic?
- hindi. wag kayong maniniwala sa pictures ever. it's very deceiving and it encourages vanity.
35. Do you dream in color or b/w?
- colored tsong.
36. Why do you take surveys?
- naaaliw kasi ako minsan. pero sa pagkakataon na to, gusto ko lang lumipad ang isip ko. dami kasing problema e.
37. Do you drink alcohol?
- hindi.
38. What is the most beautiful language?
- spanish is hot
39. Do you like being kissed when you are asleep?
- i wouldn't know man. i'm asleep
40. Do you like sunrise or sunsets the most?
- mas gusto ko sunset kasi mahirap gumising sa umaga para sa sunrise
41. Do you want to live to be 100?
- nope. i want to die early. pero di muna ngayon.
42. Is a flat stomach important to you?
- for myself oo. at para din sa ibang tao. bakit? kasi indikasyon ito na marami kang kumain at walang ginagawa.
43. Are you tolerant of other people's beliefs?
- sometimes, pero as much as possible i inject myself's to theirs.
44. Do you watch movies at home?
- i only.
45. Do you believe in magic?
- hindi e. pero cool siya. pinanuod ko yung the prestige
46. Do you think you can draw well?
- di e. i suck actually
47. Do you like to watch cartoons?
- simpsons, family guy, american dad at southpark. anything other than that are children
48. At what age did you find out that Santa Claus wasn't real?
- di naman sakin tinuro yun e. basta nalaman ko na lang na merong nagsasabi na meron nun, pero alam kong wala.
49. Do you write poetry?
- yes. but it must come in an epiphany.
50. Do you snore?
- hindi yata.
51. You sleep more on your back, front, or sides?
- basta komportable
52. Would you rather have a poodle or
a rottweiler?
- poodle. para attractive. impulsive mga rotweiler e
53. Are you basically a happy person?
- hindi. im a depressing person. made-depress ka rin pag kasama ako.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home