inside the mind of a walking migraine

Wednesday, October 10, 2007

ang pagkakaiba

unti-unting bumabagal
ang kahit anong gumagalaw
nagiging tunog bula
ang anumang nagsasalita
lumalamig ang paligid.

ngunit makita lamang ang kanyang ngiti
buntong hininga habang tulala
mga nakakatunaw na pagtitig
maging dahilan ng pagngisi
ngayo'y natunaw ang niyebe.

nawawala ang pighati.

lumilipad.

masarap na kasama.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home