matagal ko nang pangarap ang mag-perform sa harap ng maraming tao. simula pa siguro nung bata ako, di ko maalala. pero mas lalong tumindi ang pagnanasa ko dito, nang mapanuod ko ang banda ng pinsan ko at sabi ko, "kaya ko rin yan a". oo, nainggit ako. gusto ko rin yun. kahit ayaw ng mga tao sa kin, gusto ko kumanta. gusto ko magbuo ng banda.
actually, ilang beses na rin natupad ang pangarap kong ito. nung last year ko sa kolehiyo, nagbuo kami ng banda para sa party ng iskwelahan namin. tinugtog namin ang paborito kong kanta sa panahon na yun, kanta ng incubus. ansarap talaga. kahit pumiyok ako sa dulo, kahit binato ako nung isang kups na andun, nasiyahan ako. gusto ko umulit.
dumating ang isa pang pagkakataon sa annual youth convention ng aming grupo. napadaan lang ako sa stage kasi kakilala ko yung tumutugtog. tapos tinanung nila ko, gusto mo kumanta? oo naman! at ayun. sa harap ng may 5,000 tao, pinakawalan ko ang natatago kong harot sa katawan.
at ngayon, pagpasok ko sa kasalukuyang kompanya, inimbitahan agad ako ng mga tao dun na magbuo ng banda. tira agad ako, kasi gustong gusto ko. tapos, gustong gusto rin nila ang incubus. kaya gustong gusto ko rin. at nagsimula na kami mag-jam, gumawa ng kanta, magcover ng mga kanta. sa wakas, nagkaroon din kami ng gig.
mga kaibigan at friends at amigo at amiga, sa sunday, 11pm, sa watering hole sa tapat ng edsa shangrila, ang UNANG GIG NG UNANG SERYOSONG BANDA KO. ang pangalan namin, dun niyo na malalaman. ang korny kase niya. pero sana talaga pumunta kayo. manuod kayo. pagmasdan kung pano kami magkalat. nung isang linggo pa ko excited. wala pa yung banda, excited na ko. kaya, sana makasama ko kayo sa excitement ko. sana, panuorin niyo akong abutin ang pangarap ko. sa andrama ko. hehehe.