inside the mind of a walking migraine

Monday, July 30, 2007

migraineous night

gusto ko lang sumigaw
gusto ko nang magresign sa kompanya ko. bakit? blocked na ang multiply. nung huli akong magresign sa dati kong kompanya, multiply din ang dahilan. ito na nga lang ang kaligayahan at pinagkakaabalahan ko sa gabi, tas tatanggalin pa nila? bakit sila ganun? gusto ko rin umiyak.


masakit na naman ang ulo ko
parang hindi na siya tumitigil. parang ayaw na niya umalis sa ulo ko. tapos marami pang gustong dumagdag sa opisina. wala na akong magawa kundi tumahimik na lang.

marami pa sana akong gustong isulat, kaso masakit talaga ulo ko. nakakainis.

Labels: , , , , ,

Friday, July 27, 2007

before i leave my computer

oh no
mukhang di ako makakagamit ng computer ngayong gabing ito. pinagfo-floorwalk ako ng boss ko (sa floor) at hindi niya ako papaupuin sa computer. parang mamamatay ata ako. di ako makakagamit ng computer buong gabi. mabuti pa magsulat sulat na ngayon.


the matrix
kada ibang biernes (every other friday haha), merong ispesiyal na nangyayari dito sa opisina. payday friday ang tawag nila. kasi kada ibang biernes, payday. so gumagawa sila ng theme para sa araw na ito at yun ang dapat ng suot ng mga tao. nung unang biernes, sports theme. tas meron naman isang biernes, basta meron din theme yun, nakalimutan ko lang.

ngayong biernes na ito, the matrix ang napili nilang tema. ang maganda dito, marami - kundi halos lahat - nagpaparticipate. ganun ka-engaged ang mga tao dito. merong isa naka-americana pa - a la agent smith. meron, office attire lang pero pwede nang isali sa matrix. kahit ano basta naka-black ka, pwede nang matrix yun. kahit mukang patay.

ako, hehe, neck tie lang suot ko. muka akong itchyworms. magshe-shades din dapat ako e, kaso naiwan ko sa bus. naiwan ko sa bus. isa pa. naiwan ko sa bus. ambobo-bobo ko. biruin mong maiwan ko sa bus yung shades ko. yung bubuyog shades pa yun, gustong gusto ko yung shades na yun. tas naiwan ko lang ng ganun. pero buti na lang naka neck tie ako. i like it.


cool off ends here
after two days, tinapos ko na yung cool off. di ko natiis. pero hindi pa rin kami balik sa dati. sabi ko sa kanya less text pa rin. basta hindi nakaka-distract. ayun.


gagawa dapat ako ng script
in-email ako ni ate "kakay santiago" ng mga sitas para sa script ko sa knc show. ngayon ko dapat gagawin yun. para may pondo sa segment ko. kaso nga, pinapatayo ako ng boss ko. ayaw niya kong gumamit ng computer sa huling araw na ito.

bukod sa script, gagawin ko rin dapat yung report ko sa opisina. basta hindi ko rin siguro siya magagawa dahil magf-floorwalk ako. grabe, anlake talaga ng mawawala sakin pag hindi ako nagko-computer. computer na ata ang buhay ko ngayon - katulad ng maraming tao.

Labels: , , , , ,

depression is as psychological as talking to yourself

floating na kukote
kanina pa ako nagiisip ng maisusulat. andaming pumapasok sa isip ko pero wala akong ma-produce. bakit kaya? kita mo na? mga limang minuto akong nagisip ng follow-up dun sa una kong tanong. hindi na normal to.


depressed?
hindi nga ako depressed. sabi ni ingkong, ang depression ay para sa mga taong hindi naniniwala sa Diyos. tama nga naman. kasi kapag Kristiyano ka, iba ang outlook mo sa buhay. iba ang nakikita mo kaysa ordinaryong tao.

hmmm... magandang article to para sa steady ah. magawan nga.


number 2
kanina nakaisip ako ng words para sa isang kanta. isipin niyo na lang kung bakit number 2 ang title niya. (english siya, pasensya)
---
waiting for the next stoplight
when will i go?
the explosion is inevitable
is what you reap really what you sow?

creating all sorts of predicaments
i am losing my mind
creating horror with dropping bombs
you're wa over the line

can you wait until i get there?
stop pushing me around
stop being the reason why i'm running around town

can't you wait until i finish this?
stop making me queasy
stop making the rest of my body very lazy

Labels: , , , , ,

Wednesday, July 25, 2007

an idle mind is the devil's workshop

dahil walang magawa
actually, merong gagawin, tinatamad lang ako. minsan naiinis na ako sa katamaran ko. parang hindi na malunasan. sobrang tamad ko, tinatamad ako pati sa pagtulog at pag pahinga. minsan sa umaga kapag kakagising ko lang, tinatamad ako magsalita - nagagalit minsan yung tita ko. alam ko nakakasakit na rin ako ng damdamin ng tao dahil sa habit ko na yan, pero hirap talaga alisin e. tulungan mo naman ako.


ano bang problema ko?
kailangan ko lang siguro ng magandang inspirasyon. o kaya isang bago sa buhay. nakakatamad din pag puro luma e. yun din ang isang problema ko, gusto ko laging may bago. ayoko yata ng stagnance sa mga bagay-bagay. ironically, dahil dito, tinatamad ako.

kailangan ko ng bagong pagkakaabalahan. bagong pagtutuunan ng pansin. isang bagong dahilan. naaalala ko nung grade 3 ako, first time kong sasabihin sa publiko, hindi ako naliligo sa umaga bago ako pumasok. siguro tumagal ang isa o dalawang linggo na hindi ako naliligo dahil sa sobrang lamig ng umaga. alas siyete ng umaga ang pasok ko kaya kailangan alas sais palang naliligo na. e grabe naman lamig sa umaga dati. naiintindihan ko na mga indiyano, mga hapon at koreano. close to zero ata ang temperature ng mga ciudad dun. sa labas yun ah, hindi sa loob ng opisina. imaginin mo na sa loob ng opisina, imbes na aircon, heater ang gumagana. o ha.


siguro depressed na naman...
hindi naman siguro. alam ko kung pano ang depressed - naranasan ko na ito dati e. ironically, after ng break-up yung depression ko (kinailangan ko ng tulong ng friends, oo yung sitcom, para ma-overcome yung depression na yun).

kaninang umaga, may nagtanong sakin kung ano daw ang magandang comfort food. immediately, sinagot ko ice cream. una, dahil yun naman talaga ang number one the comfort food para sakin. pangalawa, nanunuod ako ng the sopranos nung nagtext siya at saktong ang eksena ay gumagawa ang mag-amang soprano ng ice cream. habang pinapanuod ko yung eksenang yon, naalala ko nung panahon ng depression ko, bumili ata ako ng 1/2 galon na double dutch para sakin lang. dahil depressed ako. at maraming chocolate. natutunan ko kasi na nagpoproduce ang chocolate ng endorphins na nagpapasaya sa isang tao. so mula noon, kapag malungkot ako, i try to eat chocolate or ice cream. parang babae.


it's just a phase. it will be over soon.
isang bagay na natutunan ko noong adik na adik ako sa incubus nung second year ko sa kolehiyo. minsan meron kang mga problema, or mga bagay na pinagkakaabalahan sa mundong ito, pero lahat ito ay lilipas. matatapos din yan. isa lamang yang pahina ng aklat ng buhay mo. meron din magkakaroon din ng conclusion yan. wag ka masyado magalala. manghingi ka lang ng tulong sa dapat mong hingan. bibigyan ka naman ng pansin. wag ka magalala.

Labels: , , , , , , ,

i couldn't do it

muntik na
katulad ng inaasahan ko, di ko magawang hiwalayan siya. lalu na nang makita kong namumutawi ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. di ko kaya. cool off lang muna, at least meron pang pag-asa kahit papano. meron pa kong oras para mag-isip ng mga bagay bagay. di ko talaga kaya. sabi sakin ng kaibigan ko, wag ko raw titignan sa mata habang kinakausap ko siya. well, kada matatapos ang isang sentence ko, tinitignan ko siya. di ko kayang di tumingin. at habang tumitingin ako sinasabi ko sa sarili ko na ito ang desisyon na hindi ko pagsisisihan.

Labels:

Tuesday, July 24, 2007

i was in a traumatic accident!

g-liner
hinde, joke lang. pero meron pa ring aksidente. pero mape-prevent naman sana yung aksidente na yun kung hindi lang mayabang yung bus.

ginagawa kong habit na pumasok ako ng maaga. as in mga 1 1/2 hours bago yung shift ko, pumupunta na ko sa office, tas mga 30 mins early ako dadating. so as always, sumakay ako ng bus dahil hari ito ng kalsada at mabilis akong makakarating sa gusto kong puntahan (una, dahil hindi na siya naghihintay ng mga pasahero; pangalawa, sobrang laki nito, walang gustong umoberteyk) at dahil malamig sa loob, kahit matrapik ako, walang problema.

pagdating ng bus sa junction (intersection), pumwesto siya sa kanan ng kalsada. hindi dapat siya dito pumwesto dahil kakaliwa kami at hindi kakanan. nang mag-GO na ang stop light, umamba siya ng pakaliwa, pero biglang may sumulpot na jeep sa gilid at ayaw magpatalo sa malaking dambuhalang higanteng sasakyan. pinilit niya ang hangad niyang dumiretso sa kalsada. pero wala ito sa malaking bus, pinilit din niya kumaliwa at umaasang hihinto ang jeep upang bigyang daan ang hari ng kalsada. matapos ang ilang sandali... boom. sumadsad ang mga gilid ng sasakyan, biglang tumigil ang bus. bumaba ng driver at konduktor. tinignan kung ano ang nangyari (although alam na alam niya kung ano ang nangyari). di ko na alam kung pano ko tatapusin itong kwentong ito.

nang tumigil ang bus, ang tanging nasa isip ko ay "may tao kaya dun sa jeep?" kawawa naman sila kung meron. kawawa naman yung jeep at nabikitima ng balyena sa lansangan. napakalungkot ng pangyayari dahil makikita mo sa mukha nung drayber na parang normal lang ang nangyari. parang inasahan niya na mabubunggo ito sa jeep. siguro'y tinuturuan niya ng leksyon ang pobreng drayber ng jeep na walang uurungan ang bus. kahit sino ka pa.

pindot dito para sa pictures.


malapit na
bago sumapit ang nakakalungkot na bangaan, busy ako sa pagte-text sa aking girlfriend. sinabi ko sa kanya na kailangan namin magusap tungkol samin. kinabahan siya. tama naman siguro yung kutob niya.

meron kasing mga bagay na mahirap i-explain. merong mga bagay na hindi dapat isulat. sasabihin ko sana sayo kung bakit kami maguusap. sasabihin ko sana sayo kung ano yung dahilan ng paguusapan namin. pero malamang di mo lang maintindihan.


long week
napakahaba ng linggong dumaan. sobrang dami ng mga meetings doon at dito. kung saan saan ako napupunta. kulang kulang ang tulog, isang pikit lang kelangan na agad bumangon. basta hindi normal ang linggo. parang isang buwan na ang nagdaan sa sobrang dami ng nangyari. pero ok, masaya siya. masasabi kong fruitful itong nagdaang linggong ito.

Labels: , , ,

Saturday, July 21, 2007

yet another headache

migraine
sa sobrang daming kaganapan ang nangyayare, sobrang dami rin ang pumapasok sa ulo ko. nakakatamad tuloy isulat. sumasakit tuloy ulo ko. yung kaliwang banda lang ng ulo kaya matatawag ko itong migraine. alam mong migraine yun dahil parang may nagmamartilyo ng balde baldeng pako sa ulo mo. tapos pag hinimas mo naman, mahihilo ka. parang yung feeling pag sumakay ka ng ferris wheel, akala mo masarap sakyan pero pagkatapos ng pagikot mo, gusto mo lang sumuka. yun ang nararamdaman ng kawawa kong ulo ngayon.


meeting
nagpatawag ng meeting si bradtam sa pamamagitan ni sisapol noong nakaraang araw. pagkatas ng shift ko, natulog ako mga dalawang oras (with matching gising kay bab sa gitna). siguro dumating ako sa intayan mga alas otso. naghanap ako ng mauupuan kaya bumagsak ako sa mcdo sa kanto ng taft at edsa. edi syempre, bumili na rin ako ng makakain dahil alam kong maghihintay ako ng matagal. alam ko ito, una dahil di ko kilala ang susundo samin. pangalawa, dahil mga pilipino tayo at alam kong male-late ang lahat.

so habang nagiintay ako sa pila, napansin ko ang lalake sa likuran ko. matangkad siya, akala ko si andy jao kasi gilid lang ng mata ko ang nakakakita. nang i-overtake niya ko sa pila upang lumipat sa kabila, naintriga ako kasi parang kahawig siya nung singer ng bandang purplechickens na isa sa mga paborito kong banda (dahil napakaganda ng mga lyrics ng kanta nila). anyway, "marahil siya nga yun," sabi ko sa sarili ko. napansin ko na meron siyang pinapakinggang tape recorder, "siya nga." writer siya sa pulse magazine at sa website nito. gusto ko sana lumapit kaso padating na ang bab. "sa next twice in a lifetime chance na lang," sabi ko.

so dumating na si bab, pati si brick. so simula na ng paglalakbay papunta sa meeting place. mga sampung milya ata yung nilakad namin sa ilalim ng nagdudumilat na araw. sobrang pawis. sobrang hapis. buti na lang nakakaaliw kausap si bab, siguro nagbigti na ko kung maka-eleven miles kami.

pagdating dun, gaya ng inaasahan, di pa kumpleto at may mga hinihintay pa. napakitipikal. siguro may tatlong ibang meeting pa akong pinuntahan sa loob ng linggong ito at pare-parehong lang ng kinahinatnan - ang pagkaubos ng aking pasyensya. mahirap naman kung gagaya ka sa kanila at magpa-late na rin, kasi "you want to lead by example." bakit kaya ganun ang mga pinoy?

break-up
seryoso ko itong kinokonsidera. pero wala pang nakakaalam kundi ako. kailangan ko munang makausap ang mga kaibigan ko kasi natatakot akong gumawa ng mga bagay na ire-regret ko rin sa huli.

Labels: , , , , ,

Wednesday, July 18, 2007

poetry site

google
naisipan ko i-google ang sarili ko (charles dumaraos) at ito ang unang lumabas. ang poetry site ko noong mga 2004 or 2005 pa. sa sobrang tagal na, nakalimutan ko na meron pala akong ganitong account sa ganitong website plus nakalimutan ko pa yung password (pero eventually, naalala ko rin). nakakatuwa, kasi 221 times siya binasa mula noong panahon na yon. onti lang yun, pero meron pa ring nagbasa.

d.g. dumaraos
pagkatapos ko i-google ang pangalan ko, ginoogle ko naman ang pangalan ng lolo ko. nasorpresa ako kasi mas marami pa akong pages kaysa kanya. tinry ko ang d.g. dumaraos, mas onti ang return pages. marahil dahil nilagay ko sa mas maraming website ang pangalan ko kaya mas marami akong hits. pero siguro kung ngayon nabuhay ang lolo ko (malamang wala pa ako hehe), sandamukal na hits ang meron siya. writer yun e, mapa-komiks, mapa-nobela. (kaya siguro mahilig din ako magsulat ng kung anu-ano) sana buhay pa siya ngayon, sana makapagpaturo or kahit konting pointers man lang ang makuha ko sa kanya.

oo nga pala, siya ang dahilan kung bakit ako nag computer science sa kolehiyo. siguro mga 9 years old ako nun. tinanong niya ko "anung gusto mong course sa college?" umiinom pa yata siya ng beer non, madalas uminom yun e. o kaya naman coke 500. yun ang madalas na pinapabili niya sakin. di siya namimigay. tapos sumagot ako ng buong walang tiwala sa sarili, "yung kagaya kay dad." siyempre ang tinutukoy ko noon ay yung nagdo-drowing sa diyaryo, gumagawa ng mga editoryal at mga komiks. gusto ko maging ganon nung dose anyos ako. sabi niya (siguro buong walang tiwala din sa sarili) "ahhh, comsci?" wala akong masabi kundi "opo, yun." di ko talaga alam kung ano ang pinaguusapan namin non. minsan minsan lang naman talaga kami magusap e. palagay ko nga, yun lang ang time na nagusap kami pwera lang kung inuutusan niya akong bumili ng coke 500.

coke
mga five years later, naisipan kong gayahin ang habit na pagbili ng sariling coke na madalas gawin ng lolo ko. yun nga lang, imbes na coke 500, family size ang binibili ko. naisip ko rin ito dahil may kinwento ang tito ko sakin na isa niyang kaibigan, inii-straw ang coke 1.5. grabeng mga tao. so naisipan kong gayahin ang mga ito para may mai-kwento ako pagdating ng panahon (at eto na nga). di naman kasi ako mahilig magkwento. madalas sinasarili ko nalang ang mga pangyayari sa buhay ko - hanggang sa naimbento ang blog. marami nang tao ang makakaalam ng mga sikreto ng buhay ko.

Labels: , , , , ,

it's just like sleeping

ansarap
grabe, kanina lang ata uli ako nakatulog ng matino. nakumpleto ko ang 6 hours ko! plus meron pang bonus na 3 hours after non. panu ba naman, nung sunday pa kung anu-ano na ginagawa ko.

nung sunday, nag-shooting kami sa clark or subic (di ko alam kung alin sa dalawa). e ang hirap naman, puro biyahe. mas matagal pa yung biyahe time kesa sa shooting. pero at least meron kami natapos nun. masarap din kumain ng spageti luto ni ate rose. tapos, di ako natulog sa araw ng lunes. di ako nakatulog kahit kailangan. simula kasi ng night shift kaya kelangan ng baterya para sa gabing iyon. wala rin naman, di naman ako masyadong inantok. kaso kailangan din matulog dahil may go-kart competition naman ang host ng untv sa kinabukasan tuesday. so pagod na pagod na ko pagdating ng tuesday ng hapon, nakatulog ako mga dalawang oras ata. alam niyo ba kung gano kahirap mag go-kart? para kang sinagasaan ng pison. ganun.

ayun, kanina lang ako nakatulog ng mahimbing. alas singko ng umaga sakto ako dumating sa bahay, tulog agad ako. hanggang 11am. sarap talaga.

sa sunday na
3G. punta ka sa world trade center ngayong linggo, hulyo a-beinte dos. alas otso ng umaga. kung di ka marunong pumunta sa world trade center, di kita sinisisi - dahil di ko rin alam hehe. pero kung marunong kang pumunta sa mall of asia, madali na lang ito. punta ka lang dun sa mall na malaki. tas punta ka sa north wing kung saan meron mga sm vans na biyaheng buendia. sakay ka dun, madadaanan mo ang world trade center. actually, magsisimula ang mga palabas, alas singco ng umaga, yung palabas na kami naman. pero yung program, 8am pa.

maraming mga pagkakaabalahan dun. merong go-kart racing, paint ball, ibat-ibang rides, exhibits, job fair at isang libreng concert sa gabi (with a very special guest).

kaya, hali na! dalhin ang barkada! umuulan dito ng pera haha : )

prison break
nung monday (habang hindi ako natutulog), natapos ko na rin sa wakas ang pangalawang season ng prison break. nahalata ko na iniba nila ng conclusion ng series (dahil ayon sa aking research, dalawang season lang talaga ang initial na naisulat para dito. pero humiling ng extension ang fox kaya ayun...) dahil nakulong uli si ******* ******** sa ****** dahil iniutos ng ******* na direct report ng namatay na si **** ***. (pasensya na, bawal sabihin, pero kung napanuod mo na, maiintindihan mo yung sinabi ko).

however, nevertheless, sa kabila ng lahat ng ito, na-excite pa rin ako sa season 3. dahil una blah blah blah blah blah blah (spoiler uli e, sorry).

paalam muna
alas otso singkwenta'y tres na ng gabi, kelangan ko na magpaalam. kanina pa nagsimula ang shift ko at matatapos na ang aking avail time. magandang simulain pala ito para sa blog na ito. nagregister ako sa wordpress at iba pang blog site, pero walang nangyari sa kanila. ito lang ang nagbunga. hanggang sa muli.

Labels: , , , , , , , , , ,

ouch

bakit ba?
english yung title nung blog, pero malamang puro tagalog din ilalagay ko dito e. nainggit kasi ko sa kaibigan kong si bab. nang malaman kong meron siyang blogspot, e dapat ako din. inggitero ako e. lalu na kung kaya ko rin abutin yung kinaiinggitan ko.

nakakasulasok, nakaririmarim, nakapanghihilakbot, nakakasuklam.
nakikinig ako ngayon ng mga kanta ng giniling festival. kung kilala mo siguro ako ay alam mo na fan ako ng banda ng pinsan ko. yung banda ha, hindi sa pinsan ko. minsan kasi me mga tao, ang nakikita lang nila yung bokalista. marahil dahil pogi ito. pwede rin naman na dahil sadyang mahilig kumanta ang higit na pinoy, kaya kung sino ang kumakanta, yun ang idolo nila.

resist. unlearn. defy. resist and multiply.
meron akong multiply page. aktibo pa rin naman ito hanggang ngayon. kaya lang ako gumawa ng ganito, bukod sa nainggit ako, ay gusto ko lang pahirapan ang sarili ko. andami kong nakilala sa multiply na yun. mas maigi pa talaga yun kaysa friendster. basta, kung wala akong multiply, malamang di ko kilala ang mga bago kong kaibigan ngayon.

tulog na.
inaantok na nga ako. alas cuatro na ng madaling araw, nakakatatlong oras pa lang ako ng tulog sa loob ng tatlong araw. kailangan ko nang ihiga ito. pahinga ko labindalawang oras para parang sulit yung. sa totoo lang, andami ko nang ginagawang backspace kasi kung anu-anong letra ang naita-type ko dito sa keyboard. ay siya, matutulog na ko.

Labels: , , , , ,